Dumepensa ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos kwestyunin ng Malacanang ang pakikipag-kamay ng pangalawang pangulo sa mga residenteng biktima ng bagyo.
READ: The camp of Vice Pres. Leni Robredo slams Presidential spokesperson Harry Roque after questioning her handshake with typhoon-hit residents.
— Christian Yosores (@chrisyosores) December 1, 2020
"Nagpa-mañanita ka sa beach tapos si VP pa rin ituturo mo? Wow lang," OVP spox Atty. Barry Gutierrez says. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/JtaudIxNhZ
Nitong araw nang patutsadahan ni Presidential spokesperson Harry Roque si Robredo matapos gisahin dahil dinumog ng mga residente ng Bantayan Island sa Cebu ang aktibidad kung saan siya dumalo.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Office of the Vice President, imbis na maghanap ng ibang masisisi ay dapat matuto ang mga opisyal na akuin ang kanilang pagkakamali sa mga kinalagyang sitwasyon.
“I look forward to the day when officials in this administration can just be accountable, accept responsibility, and commit to doing better, instead of bashing the VP every time the Filipino public call out their shortcomings,” ani Gutierrez.
Hindi umano patas na si Robredo ang babanatan ni Roque, kahit hindi naman ang bise presidente ang nag-organisa ng nasabing pagtitipon.
“But I’m not holding my breath. Nagpa mananita ka sa beach tapos si VP pa rin ang ituturo mo? Wow lang,” dagdag ng tagapagsalita ni Robredo.
Una nang sinabi ng Presidential spokesperson na ang pagpunta niya sa Cebu ay para dumalo sa pagbubukas ng Bantayan Island Airport.
Hindi naman daw siya nagkulang sa pagpapaalala sa mga residente ng lugar na sundin ang health protocols na social distancing at pagsusuot ng face mask.
“As a precautionary measure, I observed physical distancing and reminded those who were present to observe the minimum health standards. Also, I did not shake hands and I wore a face mask,” ani Roque.
“The activity where I was seen speaking before a crowd was organized by the local government, which I had no control a guest,” dagdag ng tagapagsalita ng pangulo.
Sinabi ng Department of the Interior and Local Government na iimbestigahan na nila ang insidente.