-- Advertisements --
Robredo
VP Leni Robredo

NAGA CITY – Umaasa si Vice President Leni Robredo na naintindihan na ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang urgency sa krisis ng trapiko matapos nitong maranasan ang hirap sa pag commute noong nakaraang October 10, 2019.

Sa panayam sa Bise Presidente, sinabi nitong baka mabago ang pahayag ni Sec. Panelo na walang krisis sa trapiko matapos nitong maranasan ang mahigit tatlong oras na pagcommute papuntang Malakanyang.

Ayon kay Robredo, imposible umanong hindi maranasan ang hirap kung hindi pagdadaanan ang isang bagay.

Naniniwala naman si Robredo na seryoso si Panelo sa kanyang ginawang hakbang bagamat isang araw lang umano ito kumpara sa hirap na dinadanas ng ibang mga kababayan na araw-araw nagku-commute.