-- Advertisements --
Walang plano si Vice President Leni Robredo na magbitiw bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Ayon sa tagapagsalita ng pangalawang pangulo, hindi ito naiisip ni Robredo na magbitiw sa nasabing posisyon kahit na walang tiwala sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nito na inaasahan na ni Robredo ang nasabing pahayag ng pangulo na wala itong tiwala sa kaniya.
Nakahanda aniya si Robredo sa anumang pressure sa trabaho at handa naman itong ibigay ng kaniyang makakakaya para sa tagumpay ng trabaho.
Magugunitang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat bumaba na sa kaniyang puwesto bilang co-chair ng ICAD si Robredo kung hindi ito kumportable.