-- Advertisements --
Ginawaran na ng ranggong Petty Officer 3rd Class sa Philippine Navy (PN) reserve ang aktor na si Rocco Nacino.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng larawan si Nacino sa kanyang pagdalo sa oathtaking and official donning of ranks sa Bonifacio Naval Station, lungsod ng Taguig.
Kasama ni Nacino ang mga kapwa nito sa mandaragat sa isang group photo, habang sa isa pang larawan ay nasa tabi nito ang kanyang mga magulang.
Sa isa sa mga post ng aktor, makikitang inilalagay ng kanyang inang si Linda ang ranggong PO3 sa kanyang uniporme.
“Para sa inyo ito, Col. Eleuterio R. Quiogue and Nanay in heaven, and to my loving parents who cleared their schedules to pin my rank on me. Hooyah!” saad sa post ni Nacino.