-- Advertisements --
Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang Filipino rock icon na si Mike Hanopol matapos na dapuan ng COVID-19.
Dinala sa pagamutan ang singer noong Hunyo 10 ang 75-anyos na singer matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19.
Nagpasalamat naman ito sa mga tumulong sa kaniya para siya ay agad na madala sa pagamutan.
Sa isang Facebook post ng kaibigang si Edgar Siscar na makikitang nasa pagamutan ang singer at kumakaway.
Nakilala ang singer bilang bahagi ng legendary Pinoy rock band na Juan Dela Cruz na nagpasikat sa mga kantang “Titser Enemy Number 1” , “Beep, Beep” at maraming iba pa.