-- Advertisements --

Hinangaan ng mga fans ni rock legend Bon Jovi matapos na kumbinsihin ang isang babae na tatalon sana sa tulay.

Nagsasagawa ng video shoot ang singer sa John Seigenthaler Pedestrian Bridge sa Music City , Nashville ng mapansin nito ang isang babae na nasa railings na ng tulay.

Hindi na nagdalawang isip pa ang “It’s My Life” singer at nilapitan ang babae.

Dito ay nakumbinsi niya ang babae na huwag ng tumalon sa nasabing tulay.

Kinausap niya ang babae at hanggang natawagan ang mga otoridad.

Bukod kasi sa pagkanta ay nagsanay si Jon Bon Jovi kung paano makaharap ang mga taong nahaharap sa matinding depression.
Kabilang ito na kaniyang itinuturo sa kaniyang JBJ Soul Foundation.

Matapos ang pagkalat ng nasabing video sa online ay umani ito ng papuri mula sa fans ng singer at maging sa kapwa singer.