-- Advertisements --
Sumakabing buhay na ang isa sa mga itinuturing na founding father ng rock music na si Little Richard sa edad na 87-anyos.
Ito ang kumpirmasyon ng kanyang anak na si Danny Penniman sa Rolling Stone magazine.
Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng pamilya ang sanhi ng pagyao ng mang-aawit.
Kabilang sa mga pinasikat na kanya ni Little Richard, na Richard Wayne Penniman sa tunay na buhay, ay ang “Tutti Frutti,” “Long Tall Sally,” “Rip It Up,” “Lucille” at “Good Golly Miss Molly.”
Maliban dito ay itinuring din ni Richard ang kanyang sarili bilang “architect of rock ‘n’ roll” kung saan tumatak sa mga fans ang kakaibang istilo nito sa kanyang mga musika.
Naging inspirasyon din si Richard ng napakaraming mga musikero, na kalaunan ay sumikat din nang husto.