Naging star-studded ang ginawang tribute sa Rock & Roll Hall of Fame induction.
Hinarana ni Taylor Swift si Carole King habang pinuri ni dating US President Barack Obama si Jay-Z.
Binigyang pugay naman ni The Beatles member Paul McCartney ang Foo Fighters.
Kabilang din na binigyang pagkilala ang beteranang singer na si Tina Turner at The Go-Gos.
Sa video na ipinadala ni Obama na pinuri nito ang rapper na si Jay-Z dahil sa nagsimula ito sa hirap at tuluyang umangat.
Labis naman na ikinatuwa ng 51-anyos na si Jay-Z ang ginawang papuri sa kaniya ni Obama at mula rin sa komediyanteng si Dave Chappelle.
Kinanta naman ni Swift ang kanta ni King na “Will You Love Me Tomorrow” habang si Jennifer Hudson ay ang bersiyon nito na “A Natural Woman” para sa 79-anyos na songwriter singer na si King.
Sa seremonyas na ginanap sa Cleveland, Ohio ay dinaluhan nina Dr. Dre, Eminem, Jennifer Lopez, Lionel Richie at Keith Urban.
Kinanta naman ni Christina Aguilera ang medley ni Turner.
Unang nabigyan ng pagkilala si Turner noong 1991 kasama ang dating asawa na si Ike.
Sina King at Dave Grohl ay dalawang beses ng nabigyang ng pagkilala.
Unang nakakuha ng Hall of fame si King kasama noon ang songrwriting partner nito na si Gerry Goffin habang si Grohl ay nabigyan noong siya ay miyembro ng grunge band na Nirvana.