Kinansela ng legendary rock singer Jon Bon Jovi ang kaniyang concert matapos na magpositibo sa COVID-19.
Nakatakda sana kasi itong magtanghal sa Loews South Beach sa Miami Beach subalit bago magsimula ang concert ay inanunsiyo ng kapatid nito ang pangyayari.
Lahat kasi ng mga magtutungo sa concert ay sumailalim sa rapid test at tanging ang singer lamang ang nagpositibo.
Sinabi naman ng representative ng 59-anyos na singer na ito ay fully-vaccinated na subalit hindi pa malinaw kung naturukan na siya ng booster shots.
Itinuloy na rin ng ilang kasamahan nito sa banda ang concert habang ang lead vocalist nila ay naka-isolate.
Noong nakaraang taon ay nagpositibo ang 18-anyos na anak na lalaki ng singer kabilang ang keyboard player at percussionist ng banda.