Binulabog ngayon ang mundo ng NBA sa biglaang paglutang nang palitan ng Houston Rockets at Washington Wizards para kina Russell Westbrook at John Wall.
Ang dating MVP na si Westbrook ay pinakawalan ng Rockets kapalit ni Wall at ang first round pick ng Wizards sa mga susunod na taon.
Sinasabing nitong offseason ay lumabas ang isyu na mismong ang dalawang superstar guards ang gusto na ring umalis sa kanilang mga teams.
Inaasahang tatanggap si Wall ng suweldo na aabot sa $41.3 million ngayong season at nasa $44.3 million naman sa sunod na taon.
Si Westbrook naman ay dapat ding bayaran ng $41.4 million ngayong darating na kampanya at $44.2 million naman sa taong 2021-22.
Ang kanyang paglipat sa nation capital ay hudyat din ng muli nilang pagsasama ng dating Oklahoma City Thunder head coach na si Scott Brooks.
Samantala, batay sa record si Westbrook ay nag-average ng 27.2 points, 7.9 boards at seven assists sa kanyang lone season sa Houston.