-- Advertisements --
Bubuksan na umanong muli ng Houston Rockets ang kanilang mga training facilities sa Martes (oras sa Pilipinas).
Ayon kay Rockets general manager Daryl Morey, ito raw ay para magamit na ng mga players ang naturang mga pasilidad para sa kanilang pag-eensayo.
Matatandaang isinara ang pasilidad matapos ipagpaliban ang NBA season noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.
Ngunit nitong nakalipas na linggo nang payagan na ng liga ang mga koponan na muling buksan ang kanilang mga pasilidad, ngunit kailangan nilang tumalima sa mahigpit na mga panuntunan.
Nasa 11 teams na rin ang nag-anunsyo ng kanilang balak na muling magbukas, gaya ng Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers at Denver Nuggets.