-- Advertisements --

Desidido ang Houston Rockets na tapusin na nila ang serye nila ng Oklahoma City Thunder para makapasok na sa semifinals ng Western Conference.

Ito ay matapos na isang panalo na lamang ang kailangan ng Rockets.

Ilan sa mga nakikitang bala ngayon ng Rockets ay ang muling paglalaro na ni Russel Westbrook na matapos na mainjury at hindi nakapaglaro ng dalawang linggo ay inaasahang maglalaro na ngayong Game 6.

Target naman ng Thunder na madala pa ang laban hanggang Game 7.

Gaya ng ipinatupad noong nakaraan mga laro ay magiging mahigpit ang pagbabantay na gagawin ni Luguentz Dort kay James Harden ng Rockets.

Asahan rin ang matinding opensa at depensa ng Thunder sa pamamagitan nina Steve Adams, Shai Gilgeou-Alexander, Danilo Gallinari at Chris Paul.

Ang sinumang magwawagi kasi sa laro ay siyang makakaharap ng Los Angeles Lakers.