-- Advertisements --

Pumayag na umano si Houston Rockets guard Eric Gordon sa $54.5-milyon contract extension sa koponan na tatagal ng tatlong taon.

Ayon sa mga impormante, kabilang umano sa kasunduan ang $20.9-milyong garantiya sa 2023-24 season sakaling mapasama si Gordon sa All-Star team o makadagit ng NBA title ang Rockets sa kalagitnaan ng deal.

Nasa huling taon na kasi si Gordon sa kanyang kontrata sa Houston, na nagkakahalagang $14-milyon.

Sa kanyang tatlong taon sa Rockets, naglista ng average na halos 17 points ang 30-year-old guard, kabilang na ang NBA Sixth Man of the Year award.

Bahagi si Gordon sa nucleus na kinabibilangan din nina James Harden, Russell Westbrook at Clint Capela na inaasahang makikipagtagisan sa Western Conference.