-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng ilang buwan si Houston Rockets guard Chris Clemons.
Ito ay dahil sa nakatakdang pagsasailalim sa operasyon para sa kaniyang torn right Achilles tendon.
Natamo nito ang injury sa panalo ng koponan laban sa San Antonio Spurs nitong Martes.
May average ito na 4.9 points sa 8.8 minutes na paglalaro nito.
Ang 23-anyos na si Clemons ay kinuha ng Rockets noong 2019 mula sa Campbell University.