Hindi pinaporma ng Houston Rockets ang dating NBA champions na Golden State Warriors matapos na ilampaso sa score na 129-112.
Ito na ang ikaanim na sunod na panalo sa kabuuang walong mga laro ngayong bagong season.
Nanguna sa Rockets si James Harden na may 36 points at 13 assists.
Tinulungan naman siya ng dati ring MVP na si Russell Westbrook na nagtala ng 18 points at eight rebounds at si Clint Capela na nagbuslo ng 19 at 16 rebounds.
Sa panig ng Golden State bumandera sina Alec Burks na may 28 points, Eric Paschall na nagpakita ng 19 points at si Glenn Robinson III na nagdagdag ng 15 points at 11 rebounds.
Halatang hindi pa rin nakakarekober ang Warriors sa pagkawala ni Stephen Curry dahil sa injury at si Klay Thompson na matatagalan pa ang pagpapagaling.