-- Advertisements --
James Harden/ Photo courtesy of NBA

Nagpakawala ng impresibong 36 points at 10 assists si James Harden para tumulong sa paggiba ng Houston Rockets sa Sacramento Kings, 130-105.

Naduplika rin ng Houston ang kanilang season-high na 26 na 3-pointers.

Umalalay din sina Eric Gordon at Danuel House Jr. na kapwa umiskor ng 19 points, na dinagdagan nina Kenneth Faried ng 12 points at 11 rebounds, at P.J. Tucker 13.

Kasunod nito, lamang na ng half-game ang Houston sa Portland Trail Blazers para sa ikatlong puwesto sa Western Conference.

Sa hanay naman ng Sacramento, kumamada ng 20 points at seven rebounds si Buddy Hield upang pangunahan ang team.

Dahil dito, nabigo namang manalo ang Kings sa apat na pagkakataon sa anim na laro.

Tumabo ng 23 points sa first half si Harden at ipinasok ang tatlo sa kanyang kabuuang 3s sa loob ng dalawang minuto sa third quarter.

Lamang ng 16 points ang Houston sa halftime, at hawak ang 89-68 abanse sa huling bahagio ng third kasunod ng four-point play ni Harden.

Kalaunan ay gumawa ng anim na magkakasunod na 3s si Harden sa fourth upang maselyuhan ang kanilanig tagumpay.