-- Advertisements --

Binitbit ni James Harden ang Houston Rockets upang idispatsa ang Memphis Grizzlies sa score na 107-100.

Nakabangon ang rockets sa masaklap na pagkatalo nitong nakalipas na araw nang tambakan sila ng Miami Heat.

Sa pagkakataong ito todo kayod ang ginawa ng dating MVP na si Harden na nagposte ng 44 big points kasama na ang pitong three point shots at 10 rebounds.

Bigo kasing makapaglaro ngayong araw ang dati ring MVP na si Russell Westbrook na pinagpahinga muna.

Sa kasalukuyan meron nang apat panalo at tatlong talo ang Rockets.

Habang ang Grizzlies ay nasadlak naman sa lima nang pagkatalo.