Pinahiya ang Miami Heat nang nangungulelat na Memphis Grizzlies, 118-111.
Ito na ang ika-apat na panalo sa loob ng limang laro ng Memphis.
Sumandal ang team sa diskarte nina Ja Morant na may 20 points at 10 assists at kay Jonas Valanciunas na nagpakita ng 21 points at 10 rebounds.
Nagsilbi rin itong ganti ng Memphis dahil tinalo sila sa opener noong October 23 sa score 120-101 nang makahabol ang Heat sa fourth quarter.
Sa naging laro kanina, tinangka muli ng Miami ang huling push pero sa pagkakataong ito ay hindi na nagpabaya ang Grizzlies para madagdagan ang kanilang record na 10-17.
Sa ngayon hawak ng Heat ang 19-8 win-loss record.
Sa ibang games, nakaluost naman ang Houston Rockets sa San Antonio Spurs, 109-107.
Muling nagsama ng puwersa sina Russell Westbrook na kumamada ng 31 points at James Harden na nagtapos sa 28 para makaalpas sa 25 points deficit.
Sinasabing ito na ang kabilang sa biggest comeback sa kasaysayan ng franchise na merong 18-9 kartada ngayong season.
Samantala, sunod na makakaharap ng Spurs ay ang Brooklyn sa Huwebes.
Ang Rockets naman ay makikipagtuos sa Clippers sa Biyernes.