Sinamantala ng San Antonio Spurs ang mistulang pananamlay ng Houston Rockets para tambakan nila sa score na 100-83.
Ang Rockets kasi ang may hawak na best record ngayon sa NBA na may 62-15 at franchise-best wins total.
Nagsama nang puwersa sina LaMarcus Aldridge na may 23 points at 14 rebounds at si Rudy Gay na nagdagdag ng 21 points upang pahiyain ng San Antonio ang Houston sa kanilang lowest-scoring game ngayong season.
Liban dito, tinuldukan din ng Spurs ang 11-game winning streak ng Rockets.
Hinala tuloy ng ilang observers na maaaring may “hang-over” pa ang Rockets lalo na at sigurado na ito sa playoffs series sa Western Conference.
Maging si Houston coach Mike D’Antoni ay aminadong 10 beses na maganda ang inilaro ngayon ng Spurs (45-32) bunsod na naghahabol din ito para matiyak ang puwesto sa Last 8.
Ang Rockets star na si James Harden na bagamat may 25 points, inalat naman ito sa kanyang mga tira na inabot sa 8-of-19 shooting lamang ang nagawa.
Nasadlak din si Harden sa foul trouble kung saan lumabas ito sa game na may five fouls.
Hindi naman nakapaglaro sa Houston ang injured na si Chris Paul habang sa San Antonio naman ay wala pa rin si Kawhi Leonard, na meron lamang siyam na games ang ipinakita ngayong season.