-- Advertisements --

Pasok na sa Western Conference finals ang Houston Rockets matapos idispatsa ang Utah Jazz sa Game 5, 112-102.

Umiskor ang nine-time All-Star na si Chris Paul ng playoff career-high na 41 points at walong 3-pointers.

Kasabay nito, maliban sa ito ang unang pagkakataon sa 13-taon na makalalasap ng conference finals si Paul, ito rin ang first time ng Rockets na makatungtong dito simula 2015.

Batay sa datos ng Elias Sports Bureau, ito na raw ang ika-86 playoff game ni Paul sa kanyang career kung saan ang 33-year-old point guard na umano ang may pinakamaraming playoff experience na wala pang karanasan sa conference finals.

Si James Harden naman ay merong 18 puntos na alay nito sa top-seed team sa Western Conference.

Haharapin ng Houston ang Golden State Warriors.