Kinailangan ng Houston Rockets sa kanilang teritoryo ng double overtime bago tuluyang igupo ang Los Angeles Lakers, 148-142 sa New Year’s game.
Kumayod ng husto si James Harden sa pamamagitan ng kanyang 40 points, 11 assists at two rebounds para makabangon sa pagkatalo nitong nakalipas na mga araw.
Malaking tulong din ang nagawa ni Chris Paul na nagawang maipasok ang 15 mula sa 28 kabuuang puntos sa overtime para matuldukan din ang limang sunod-sunod na talo.
Ang Lakers naman ay tumikim muli nang pagkatalo kung saan kahapon talo rin sila sa Clippers.
Hawak na ngayon ng Rockets ang record na 26 wins at 9 losses, samantalang nasa 24 na ang talo ng Los Angeles ngayong season.
Nasayang din ang diskarte ng power forward ng Lakers na si Julius Randle na may 29 big points, 15 rebounds at 6 assists.
Sa Martes haharapin ng Lakers ang Minnesota.
Samantalang makikipagtuos naman ang Rockets sa Magic sa Huwebes.