-- Advertisements --
HOUSTON ROCKETS
Rockets

Inaasahang sasamantalahin ng Houston Rockets ang kawalan ni Golden State Warriors star Kevin Durant para maitabla sa 3-3 ang Western Conference semifinals nila ng Warriors.

Ito ay matapos na magtamo ng injury sa kaniyang likurang binti si Durant noong Game 5 para makuha ng NBA defending champion ang 3-2 na kalamangan sa best of seven series nila ng Rockets.

Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na isang hamon para sa kanila ang game six dahil sa kawalan ni Durant at maging si DeMarcus Cousin dahil sa rin sa injury.

Hindi naman ito nabahala dahil may ipinalit agad siya na tatayo sa posisyon ni Durant.

Dahil sa nasabing injury ay mayroong diskarte na ipapamalas ang mga Rockets player na sina James Harden, Chris Paul at Iman Shumpert.