Sumandal ang Houston Rockets sa mainit na mga tira ni James Harden at agresibong diskarte upang idispatsa ang mas batang team na Sacramento Kings, 119-108.
Kinailangang kumayod ng husto ni Harden gamit ang panibagong triple double performance na kanyang pang 42 sa career at ikatatlong 50 points sa nakalipas na anim na game, upang pigilang makabawi ang Kings.
Liban dito nagtala rin si James ng 11 rebounds at 10 assists para iposte ang kanilang 49-28 record ngayong season.
Ang Kings na may kartada na 37-30 ay laglag na sa NBA playoffs bilang pangsiyam na pwesto sa Western Conference.
Habang ang Rockets ay pinatibay pa ang kanilang ikatlong puwesto.
Samantala, sumuporta naman kay Harden sina Clint Capela na may 24 points at si Chris Paul na nagpakita ng 22 points.
Ito na ang pangatlong panalo ng kanilang team sa Kings.
Ang Sacramento ay pinangunahan naman ni Bogdan Bogdanovic na may 24 points at 15 rebounds.
Ang next game ng Houston ay laban sa Sacramento muli sa araw ng Miyerkules.
Sa Lunes haharapin muna ng Kings ang Spurs.