-- Advertisements --
HOUSTON ROCKETS
Rockets/ IG post

Hawak ng Houston Rockets ang momentom sa Game 4 nila ng Golden State Warriors sa second round playoffs ng NBA.

Ito ay bukod sa home court ng Rockets gagawin ang Game 4 ay inaabangan ang ipapamalas na laro ng kanilang star player na si James Harden.

Noong game 1 kasi ay nakagawa ng 35 points si Harden habang mayroong 29 points sa second at 41 points noong game 3.

Hawak ng Warriors ang 2-1 na kalamangan at hindi papayag ang Rockets na sila ay matalo.

Tanging 11 koponan lamang sa kasaysayan ng NBA ang nakalusot sa 3-1 serye deficit at ang Rockets ay dalawa sa nasabing koponan noong 1995 at 2015.