-- Advertisements --
nuggetsrockets 1 728x457 1

Tuloy-tuloy sa pamamayagpag ng houston Rockets, matapos nitong pataubin ang 2023 NBA Champion Denver Nuggets.

Nagtapos ang tapatan ng dalawa sa score na 107 – 104, pabor sa Rockets.

Dahil sa panalo, hawak na nito ang kartadang 6 – 3, na mas mataas pa kaysa sa mga NBA teams na may mga stars katulad ng LAL at GSW.

para sa Denver, ito pa lamang ang ikalawa nitong pagkatalo ngayong season.

Nanguna sa opensa ng Rockets si Fred VanVleet na nagbuhos ng 26 points habang 23 points 8 rebounds naman ang kontribusyon ng sentro na si Alperen Sengun.

Muli namang nagpakita ng triple-double si Nikola Jokic sa kanyang 36 points 21 rebounds at 11 assists sa pagtalo ng Nuggets. Double-double din ang ipinamalas ni Michael porter Jr. sa kanyang 25 pts, 10 rebs performance.

Naging sandigan ng Rockets ang marami nitong naipasok na free throws.

Umabot kasi sa 23 bonus points ang naipasok nito mula sa 29 attempts kumpara sa 11 pts lamang na nagawa ng Denver, mula sa 14 free throws na iginawad sa kanila.