Nasayang ang big game ni Blake Griffin sa Detroit Piston na may 45 points nang itumba sila ng Oklahoma City Thunder, 110-123.
Ang muling paglalaro ni Griffin ay matapos na tatlong games ay hindi siya makasipot bunsod ng left knee soreness.
Umiskor siya ng 44 points sa loob lamang ng three quarters.
Pero sa kampo ng Oklahoma binitbit ni Paul George ang koponan nang magpakawala siya ng 30 points.
Halos triple double naman ang performance ni Russell Westbrook na nagdagdag ng 19 points, 15 assists at eight rebounds para sa Thunder.
Sa ngayon nagtala na ng dalawang sunod na panalo ang Oklahoma para sa patuloy nilang pag-iwas na makaharap ang No. 8 seed sa Western Conference playoffs.
Sa ibang games, inilampaso naman ng Houston Rockets (52-28) ang kulelat na New York Knicks, 120-96.
Nalimitahan ng Knicks si Harden na meron lamang 26 points, at hindi na rin ito naglaro sa 4th quarter.
Bago ang game, ang NBA MVP ay nangunguna sa liga na may 36.2 points per game.
Nagpakita rin naman sina Chris Paul at Clint Capela double-doubles digits para sa Houston.
Si Paul ay nakagawa ng 11 points at 10 assists kung saan si Capela ay nagdagdag naman ng 12 points at 15 rebounds.
Batay sa record ang Rockets nasa 18-0 sila ngayong season kung si Paul ay nakakagawa ng 10 o mahiit pa na assists.