-- Advertisements --

Tinambakan ng Houston Rockets ang San Antonio Spurs ng mahigit 20 points sa paghaharap nila ngayong araw, Oct. 18.

Nagpasok ng 30 points si Houston guard Jalen Green habang 21 points, 10 rebounds double-double performance naman ang ginawa ng sentrong si Alperen Sengun.

Sinamantala ng Houston ang hindi paglalaro ng mga star player ng San Antonio tulad ni Chris Paul at ang 7-footer na si Victor Wembanyama.

Nagawa ng Rockets na magpasok ng 48 shots sa kabuuan ng laro mula sa kanilang 92 attempts.

Nagpakita rin ang mga ito ng solidong depensa at umagaw ng 55 rebounds, 39 dito ay pawang mga defensive rebound.

Sa limang preseason game ng Spurs, tatlo na ang nalasap nitong pagkatalo habang tatlong game naman ang naipanalo ng Rockets.

Sunod na makakalaban ng Houston ang Charlotte Hornets sa Oct. 24 habang nakatakda namang harapin ng Spurs ang Dallas Mavericks sa Oct 5.