-- Advertisements --

HOUSTON – Napigilan nina James Harden at mga teammates sa Houston Rockets ang pamamayagpag ni Russel Westbrook na kumamada ng 47 big points para sa Oklahoma City Thunder matapos na mamamayani sa Game 5 sa iskor na 105-99.

Dahil dito umusad na sa second round ang Rockets sa Western Conference semifinals nang tapusin nila ang serye sa 4-1.

Nagtala si Harden ng 34 points at 8 rebounds, habang tinulungan siya nina Lou Williams na may 22 points at Patrick Beverley na nagdagdag ng 15.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na umusad sa next round ang Rockets mula sa huli nilang tatlong NBA season.

Ang kabiguan ni Westbrook na madala niya ang team sa second round ay sa kabila ng halos triple-double performance niya na may 11 rebounds at 9 points.

Naging makasaysayan para kay Westbrook ang katatapos lamang nilang season dahil sa kanyang naitalang NBA record kung saan hawak niya ang may pinakamaraming triple-doubles na umabot sa 42.

Ito ay sa kabila ng pagkawala ng kanilang superstar na si Kevin Durant noong free agency at napunta sa Warriors.

Samantala, kabilang naman sa nanood sa game ay ang NBA Hall of Famer na si Hakeem Olajuwon, rapper Travis Scott at rumored girlfriend at reality star na si Kylie Jenner.