-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpalabas na ng abiso na ang kapulisan sa mga motorista na na kung maaari ay huwag na munang dumaan sa Tiwi-Sagñay Road sa Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Ito’y dahil sa naitalang rockslide sa nasabing lugar sa walang tigil na pg-ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj Richelle Balute, hepe ng Tiwi MPS, mayroong malalaki at maliliit na bato ngayon na nakaharang sa nasabing daan.

Dahil dito ay isang isang lane lang ang pwedeng madaanan.

Ngunit agad na nilinaw ni Baliute na delikado itong daanan sa ngayon dahil sa posibilidad na maulit ang rockslide.

Agad namang nakipagugnayan ang Tiwi MPS sa Sagñay MPS at Department of Public Workd and Highways upang malinis na ang daan.

Samantala malaki naman an nagin pasasalamat ni Balute na walang naaktan sa insidente.