-- Advertisements --

Nakitaan ngayon ng inquest prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ng probable cause para pormal na sampahan ng kasong paglabag sa Article 142 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Sec. 6 ng Cybercrime Prevention Act o inciting to sedition si Rodel Jayme.

Kaugnay nito, pinakakasuhan na ng DoJ sa korte si Jayme.

Sa inilabas na resolusyon ng DoJ panel of prosecutors, ang ginawa ni Jayme na website kung saan inapload ang Bikoy video ay layon umanong sirain ang imahe ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa lumabas na video, idinawit ni alyas Bikoy na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang pamilya ng Pangulong Duterte.

Kapag napatunayang guilty, posibleng makulong si Jayme nang hanggang anim hanggang 12 taon.