LA UNION – Nadagdagan pa ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Region 1 na napauwi at tinulongan ng Overseas Workers Welfare Administration Region 1 (OWWA Region 1) dahil sa patuloy na pandemya ng Covid-19.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Bombo Radyo La Union mula OWWA Region 1, umaabot na sa 19, 047 ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF) ang nakauwi na sa rehiyon simula noong Marso 18 ngayong taon.
Kabilang sa naturang bilang ang 10,420 mula Pangasinan; 3, 598 sa La Union; 2,906 sa Ilocos Sur; at 2,123 sa Ilocos Norte.
Ang mga ibinibigay na tulong sa mga ROF ay libreng transportasyon, accomodation, pagkain at koordinasyon sa mga provincial government at LGUs.
Patuloy ang nasabing programa ng OWWA kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan para tulongan ang mga Pilipino na makauwi sa bansa, matapos mawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil sa COVID 19 pandemic.