-- Advertisements --

Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.

Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.

Sumegunda naman sa listahan ang Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo na may kitang $105-milyon; at sumunod si Argentine striker na si Lionel Messi na may $104-milyon.

Ikaapat ang Brazilian footballer na si Neymar na may $95.5-milyon; habang ikalima si Los Angeles Lakers star LeBron James, $88.2-milyon.

Ayon sa Forbes, nakaapekto umano nang husto ang coronavirus pandemic sa unang pagsadsad sa kabuuang kita ng 100 top-paid athletes mula noong 2016.

Inaasahang magkakaroon ulit ng pagbaba sa susunod na taon dahil sa shutdown. (AFP)