-- Advertisements --
Mayweather Roger
Roger Mayweather / Mayweather production Twitter image

Pumanaw na ang tiyuhin ni US boxing champion Floyd Mayweather na si Roger sa edad 58.

Si Roger ay kapatid ng ama ng US boxing champion na si Floyd Sr.

Ilang taon rin na sinanay ni Roger ang kaniyang pamangkin kung saan itinuring siyang isang elite trainer.

Tinulungan niya ang pamangkin para maging five-division champion at top boxer, pound-for-pound.

Ipinanganak sa Grand Rapids, Michigan at nanalo ng WBA super featherweight title ng talunin si Samuel Serrano sa ika-walong round noong Enero 1983 sa San Juan, Puerto Rico.

Nakuha ng nakakatandang Mayweather ang WBC super lightweight title noong March 1988 ng talunin si Mauricio Aceves sa ikatlong round sa Los Angeles.

Kilala rin siya sa tawag na “Black Mamba” Mayweather na natapos ang 17-taon na pro career noong Mayo 1999 na may record na 59 panalo at 13 talo kabilang ang 35 knockouts.

Ang kamatayan nito ay kasunod ng pagkamatay ng dating kasintahan ni Floyd Jr na si Josie Harris.