Nakasama si Gilas Pilpinas player Roger Pogoy sa most improved players ng FIBA.com.
Ibinase ng FIBA ang comparative statistics mula sa FIBA Asia Cup 2017 hanggang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers first window na ginanap noong Pebrero.
Sa unang windows ay may average ito ng 16 points at anim na rebounds sa loob ng 22.8 minutes na paglalaro.
Nag-improve ito mula sa average na 7.0 points at 3.5 rebounds sa 2017 FIBA Asia Cup.
Itinuturing ng FIBA na isa si Pogoy na malaking tulong sa depensa na kayang magpuntos at mahalaga sa Gilas.
Maikukumpara aniya ito sa kapwa Gilas player na si Jayson Castro.
Kasama siya sa pitong most improved players sa Asya na binubuo nina Muin Bek Hafeez ng India, Hassan Abdullah ng Iraq, Maxim Marchuk ng Kazakhstan, Jordan Ngatai ng New Zealand, Abdelrahman Yehia Abdelhaleem ng Qatar at Abdulwahab Alhamwi ng Syria.