-- Advertisements --

Napanatili ni defending champion Rafa Nadal ang kanyang momentum sa Canada at humakbang sa Rogers Cup quarter-finals nitong Huwebes (Biyernes, Manila time) matapos magwagi kontra kay Guido Pella ng Argentina, 6-3 6-4.

Hindi inalintana ni Nadal ang malakas na hangin at binasag nito ang service ni Pella nang apat na beses.

Naging madali rin para sa 33-year-old Spaniard ang laro kumpara sa naging opening match nito kay Daniel Evans ng England na kinailangan pa nitong bumangon mula sa tiebreak deficit.

Sunod na makikipagtuos si Nadal kay seventh seed Fabio Fognini makaraang pakainin naman ng alikabok ng Italian ang French na si Adrian Mannarino 6-2, 7-5.

“He’s playing great,” wika ni Nadal kay Fognini.

“We are in quarterfinals of a Masters 1000. All opponents are tough. For me, tomorrow is an opportunity to go on court against one of the best players, try to play a good match. So let’s see if I am able to.”