-- Advertisements --

Nakabangon mula sa mabagal na panimula si defending champion Rafael Nadal upang ilampaso si British qualifier Dan Evans sa second round ng Rogers Cup sa Montreal.

Sa kabila ng pagkaantala ng laro dahil sa pag-ulan, tinapos ni Nadal ang pangarap ni Evans 7-6(6) 6-4 sa loob ng dalawang oras at isang minuto.

Nalaglag muna si Nadal sa 5-2 sa tiebreak bago bumawi upang manaig sa kauna-unahang career meeting nila ng world No. 53.

Tumalon ang Spanish star sa 2-0 lead sa second set bago patigilin ang laro dahil sa malakas na ulan.

Nang magpatuloy ang laro, humataw sa 3-3 si Evans bago tuluyang biguin ni Nadal, na sumabak sa kanyang unang match matapos ang pagkatalo kay Roger Federer sa Wimbledon semi-finals.

Sunod na haharapin ni Nadal ang Argentinian na si Guido Pella, na wagi 6-3 2-6 7-6(2) laban kay Radu Albot ng Moldova.