Tahasang isiniwalat ng private jet firm mula Turkey na isang rogue employee ang tumulong upang makatakas ng Japan si former Nissan boss Carlos Ghosn gamit ang kanilang eroplano.
Sa pahayag na inilabas ng MNG Jet, dalawa sa kanilang private jets ang umano’y ginamit ng iligal para ilabas ng bansa si Ghosn.
Hindi rin daw batid ng kanilang management ang ginawang ito ng kanilang empleyado. Nagsampa na rin ang kumpanya ng criminal complaint laban dito.
Dagdag pa ng kumpanya, dalawang magkaibang eroplano ang nirentahan ng hindi kilalang mga kliyente. Ang isa ay may flight mula Dubai papuntang Osaka at Osaka papuntang Istanbul. Habang ang isa naman ay mula Istanbul papuntang Beirut.
Naglunsad naman ng imbestigasyon ang Turkish police hinggil sa pagtakas ni Ghosn kung saan ikinulong ng mga ito ang pitong katao dahil sa paniniwalang may koneksyon sila sa naturang plano.
Isang empleyado naman ang umamin na pineke nito ang ilang records ng naturang flight.
“He confirmed that he acted in his individual capacity, without the knowledge or the authorization of the management of MNG Jet,” saad ng kumpanya.