Masayang tinanggap ng Bangladesh at mga miyembro ng Rohingya community ang ibinabang ruling ng International Court of Justice (ICJ) na nag-uutos sa gobyerno ng Myanmar na tigilan na ang pagpatay o genocide sa Muslim minority group.
Ang Bangladesh ang siyang tumanggap o hosts ng mahigit sa 1.15 million Rohingya refugees kung saan nasa 34 camps ng mga ito ang itinayo sa lungsod ng Cox.
Ayon sa ICJ, “extremely vulnerable” ang mga Rohingya kaya dapat gawin ng Myanmar ang lahat ng makakaya para mahinto na ang mga pagpatay alinsunod na rin sa 1948 UN Genocide Convention.
“The Republic of the Union of Myanmar shall, in relation to the members of the Rohingya group in its territory, ensure that its military, as well as any irregular armed units which may be directed or supported by it and any organizations and persons which may be subject to its control, direction or influence, do not commit any acts described in point(1) above, or of conspiracy to commit genocide, of direct and public incitement to commit genocide, of attempt to commit genocide, or of complicity in genocide.”
Kung maalala lumikas ang mahigit 700,000 Rohingya sa Bangladesh mula Rakhine State ng Myanmar kasunod ng madugo at brutal na military crackdown laban sa kanila magmula noong Agosto 2017.
Ginawa ito ng militar bilang ganti sa pag-atake ng Rohingya insurgent group.
Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin ng Bangladesh na karamihan ay mga Buddhist, ang go signal mula sa UN inspectors para masimulan na rin sa lalong madaling panahon ang relocation ng 100,000 Rohingya refugees sa bagong tayong $275 million island camp.
Bago ang historic ruling, hindi tinanggap ng United Nations’ top court ang inilatag na depensa ng Myanmar civilian leader na si Aung San Suu Kyi upang pabulaanan ang genocide charges.
Gayunman inaamin naman na ang kanilang militar ay maaaring gumamit ng labis na puwersa laban sa minority group.
Ang ICJ case ay inihain ng Muslim-majority African nation na Gambia, kung saan hiniling nito na magpatupad ng emergency measures upang pigilan ang ipinatupad na crackdown crackdown noon ng Myanmar para mapuwersa ang paglikas ng halos isang milyong mga Rohingya patungo sa kalapit na bansang Bangladesh.
“The Court notes that the reports of the Fact-Finding Mission have indicated that, since October2016, the Rohingya inMyanmar have been subjected to acts which are capable of affecting their right of existence as a protected group under the Genocide Convention, such as mass killings, widespread rape and other forms of sexual violence, as well as beatings, the destructionof villages and homes, denial of access to food, shelter and other essentials of life,” bahagi pa ng Court ruling. “The Court is of the opinion that the Rohingya in Myanmar remain extremely vulnerable, observing in particular that the Fact-FindingMission concluded in September2019 that the Rohingya people remained at serious risk of genocide.”
Samantala bagamat ang ICJ ay walang mekanismo na puwersahin ang Mynmar na sundin ang kanilang ruling, malalagay naman ito sa “international pressure.”
Kabilang pa sa utos ng ICJ sa Mynmar ay pagbibigay ng apat na buwan na palugit sa gobyerno nito na mag-report kung ano na ang mga hakbang upang pigilan ang Rohingya genocide.