-- Advertisements --
image 579

Matapos ang 10 magkakasunod na linggo na umento sa presyo ng gasolina at 11 linggo oil price hike sa diesel at kerosene, inaasahang magpapatupad ng roll back ang mga kompaniya ng langis sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa 4-day petroleum trading ng isang oil industry mula Setyembre 18 hanggang 21, ang presyo ng diesel ay maaaring matapyasan ng P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Sa presyo naman ng gasolina, inaasahang magkakaroon ng roll back na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Ayon naman kay Department of Energey-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, base sa 4-day trading, ang presyo ng gasolina posibleng hindi magkakaroon ng paggalaw sa presyo o rollback habang sa diesel at kerosene may mataas na tiyansa para sa rollback na P0.50 hanggang P0.75 kada litro.

Maaari pa aniyang magbago ang aktwal na presyo depende sa resulta ng trading ngayong Biyernes.