-- Advertisements --

Asahan na umano ang bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell, may tapyas na P0.20 sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.30 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Wala namang magiging pagbabago sa presyo ng gasolina.

Ayon sa kumpanya, epektibo ang rollback sa araw ng Martes, Enero 14, bandang 6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang ipatutupad na oil price adjustment.