-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng rollback sa singil ng kuryente para ngayong buwan ng Mayo.
Ito ay kasunod ng dalawang buwang trend ng mataas na electricity rate matapos na ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund ng nasa P7.8 billion mula sa excess collections makaraan ang isinagawang validation sa ikatlong regulatory period tariffs ng Meralco para sa period mula July 2011 hnaggang June 2015.
Ayon sa Meralco, bumaba ng 12 centavos hanggang P10.0630 kada kilowatt-hour ang overall rate para sa isang typical household mula sa dating P10.1830/kWh noong buwan ng Abril.
Ang refund sa distribution-related charges ay katumbas ng hanggang P0.4669/kWh para sa residential customers.