-- Advertisements --

Ipapatupad bukas, araw ng Martes Abril 8 ang rollback sa presyo ng gasoline at kerosene.

Ito ay matapos ang dalawang linggong magkasunod na oil price hike.

Ayon sa ilang kompaniya ng langis, magkakaroon ng tapyas na P0.10 kada litro sa presyo ng gasoline habang sa kerosene naman ay magpapatupad ng rollback na P0.50 kada litro.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Nauna ng tinukoy ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang ilan sa mga dahilan ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo kabilang ang pagpapataw ng Amerika ng reciprocal tariffs sa trading partners nito na maaaring magpatamlay sa demand sa krudo, epekto ng trade war at inaasahang pagbaba ng refineries ng China.