-- Advertisements --
Asahan umano ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.
Ito’y matapos ang apat na sunod-sunod na linggong taas-presyo sa langis.
Ayon sa ilang mga taga-industriya, may tapyas na P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro sa presyo ng gasolina.
Aabot naman sa P0.50 hanggang P0.60 ang bawas-presyo sa kada litro ang rollback sa kerosene.
Habang sa presyo naman ng diesel, magkakaroon ng rollback na P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Pero sinabi ng mga eksperto, pansamantala lang ang rollback dahil maaring muling tumaas ang presyo sa pandaigdigang merkado.