-- Advertisements --

Good News na naman mga ka Bombo at ka Star Nation.

Epektibo na ngayong buwan ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.

Una rito ay inanunsyo ngayong araw ng isang kilalang kompanya ng langis na epektibo na kaninang madaling araw ng lunes ang tapyas presyo na 1 kada kilogram ng LPG.

Batay sa kanilang inilabas na advisory, sumasalamin aniya ito sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Abril.

Samantala, wala pang anunsyo ang iba pang kumpanya ng LPG para ngayong buwan.

Sa datos ng Department of Energy, nagpapakita lamang na ang presyo sa kada 11-kilogram LPG cylinders sa Metro Manila ay pumapalo ng P830.00 hanggang P1,068 noong nakaraang buwan.