Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa huling linggo ng buwan ng Abril ayon sa Department of Energy.
Base sa 4-day trading price, ayon sa DOE nakikitang ang presyo ng gasolina na magkakaroon ng tapyas na P0.45 kada litro, sa diesel naman inaasahang magkakaroon ng rollback na P0.60 kada litro.
Habang sa Kerosene naman maaaring magkaroon ng tapyas na hanggang P0.90 kada litro.
Iniuugnay ng DOE ang inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang pagtaas ng suplay ng krudo sa US at paghupa ng pangamba dahil sa posibleng conflict sa pagitan ng Iran at Israel.
Inaasahan na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na paggalaw sa preyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.