-- Advertisements --

Inaasahang mahigit P1 ang posibleng rollback sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Batay sa oil industry, posibeng magbawas mula P1.50 hanggang P2.00 sa kada litro ng gasolina.

Sa diesel naman, rollback din ang estimates ng mga oil industry sources mula P1.60 hanggang P1.90.

Sa kerosene naman, P1.40 hanggang P1.70 kada litro ang rollback nito.

Ayon sa oil players, ang oil price rollback ay dulot nang naging paggalaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado sa nagdaang apat na araw.

Ipatutupad ang oil price adjustment tuwing araw ng Martes.