-- Advertisements --
Asahan sa susunod na linggo ang ipatutupad na rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo.
Ito’y matapos ang ilang linggong sunod-sunod na paglobo sa halaga ng mga oil products sa mga gasolinahan.
Batay sa ilang mga impormate mula sa oil industry, magkakaroon ng P0.70 hanggang P0.80 sa presyo ng kada litro ng gasolina.
May bawas ding P0.30 hanggang P0.40 sa kada litro ng kerosene.
Habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Inaasahang sa araw ng Martes, Hulyo 7, ipatutupad ang price adjustment.