-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Matapos ang sunud-sunod na pagtaas, sinabi ng mga local oil industry sources na inaasahan nila ang rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad na may inaasahang pagbaba sa kada litro ng presyo ng diesel, kerosene, at gasolina.

Para sa diesel at kerosene, sinabi ni Abad na mahigit P1.50 kada litro ang inaasahang pagbaba sa presyo, habang sa gasolina, hindi lalampas sa P0.50 kada litro ang inaasahang pagbaba sa presyo.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.

Epektibo noong Martes, Enero 3, 2023, nagpatupad ang mga kumpanya ng gasolina ng pagtaas ng kada litro sa gasolina ng P2.90, diesel P2.10 at kerosene P3.05.