-- Advertisements --

Magpapatupad umano ng panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa data ng mga kompaniya ng langis sa nakalipas na limang araw base sa Mean of Platts Singapore na batay sa isang kompaniya ng langis magbababa ang presyo ng kada litro ng diesel sa P2.28.

Habang sa presyo naman ng gasolina ay inaasahang matatapyasan ng P2.79 kada litro.

Sa fuel price forecast naman ng Unioil Petroleum Philippines ay maaaring bumaba ng P1.80 kada litro ang presyo ng kanilang diesel habang ang gasolina naman ay may rollback na P2 per liter.

Kinumpirma naman ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na magkakaroon ng rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

Aniya, bahagyang malaki ang inaasahang rollback. Sinabi din ni Abad na kapag magtutuluy-tuloy ang peace talks sa pagitan ng Russia at ukraine at wala ng ipapataw na karagdagng sanctions ang EU, magpapatuloy aniya ang pagstabilize ng presyo ng mga produktong petrolyo.