-- Advertisements --

Magiging epektibo simula alas-6:00 ng umaga ngayong December 28, ang ipapatupad na bawas presyo sa produktong petrolyo.

Sa muling pagtakda ng rollback sa presyo ng petrolyo ng ilang kompanya ng langis sa bansa, bababa hanggang P0.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa P0.85 naman ang magiging bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Samantala batay sa pinakahuling datos ng Department of Energy, noong December 21 ay nagkakahalaga sa P17.85 ang naging total net increase sa kada litro ng gasolina, habang nasa P14.95 sa kada litro ng diesel, at nasa P12.39 naman ang itinaas sa kada lito ng kerosene.